Unang beses akong mag-rerenew ng rehistro ng aking motor, laking tuwa ko na mayroong bagong bukas na LTO dito sa amin at dahil di ko na kelangan pang bumiyahe ng malayo papunta ng Legazpi o Guinobatan branch.
Ang aking motorsiklo ay may bagong plaka na EA **4*9 na nangangahulugan na ito ay dapat iparehistro bago ang ika-14(4-middle digit) ng Setyembre(9-last digit) sang-ayon sa panuntunan ng LTO ng nakasaad sa kanilang website.
Mga Kailangan:
2 photocopy OR/CR
Motorsiklo na irerehistro
Sangay ng LTO: Ligao, Albay
Petsa: Ika-20 ng Agosto 2015
Mga hakbang na aking ginawa:
0) LTO Window 9(Renewal/Releasing) - kinumpirma na Temporary plate pa din ang isasaad sa CTPL at Emission test kahit na may new plate na gaya ko.
1) CTPL(Cebuana)(nagpa-xerox ng kopya ko dahil kukunin ng LTO ang original at duplicate copy)
2) Emission Test
4) Kuha ng form sa loob ng LTO
5) Stencil
6) Balik LTO
Window 11(MV inspector)- ipasa ang Emission Test w/ OR-CR xerox at CTPL
Window 10(Evaluator Registration)- binigyan ako ng number at pinapunta sa
Window 7 (Cashier)- Bayad
Window 10(Evaluator Registration)- binigay na sa akin ang bagong OR pero wala pa available na sticker.
Humigit kumulang na dalawang oras ko tinapos ang lahat. Medyo naabala lang ng konting ambon.
Gastos:
300.40 - CTPL (Cebuana)
400.00 - Emission Test
020.00 - Stencil
545.06 - LTO
* 100 - change venue
* 12.50 - Sticker
* 10 - legal research fund
* 240 - MVUC
* 13.50 - Sc tax
* 169.06 - computer fee
---------------------------
P1,265.46 - Total
Dagdag Kaalaman:
1) Para sa mga may new plate na kagaya ko, "yung temporary plate number pa din ang ginagamit para sa CTPL at emission test, ito ay sa kadahilanang hindi pa tinatanggap ng computer system ang new plate sa labas ng NCR", ayon sa taga LTO na napagtanungan ko.
2) CTPL - Sinabi na sa akin ng taga cebuana na isa lang ang ibibigay sa LTO pero
yung original at duplicate copy hiningi ng LTO kaya nagpa-xerox ako ng
original copy
3) Emission Test - 450 kapag may ahente. Lahat ng emission test center sa paligid ay 450 ang presyo
4) Stencil - pwede mo itong gawin gamit ang lapis at tape, pero dahil unang
beses akong nagparehistro at di ko pa alam kung pano kaya nagbayad na
lang ako
Nawa ay mayroon kayong napulot sa aking munting artikulo.
No comments:
Post a Comment